7.18.2007

ULAN



Sa gabing madilim at malakas ang ulan,
May mga bagay na pumapasok sa aking isipan,
Naalala ko lahat ang aking nakaraan,
Lalo na ang aking malulungkot na karanasan.


Bawat patak ng ulan mula sa kalangitan,
Ay may kakaibang bagay akong nararamdaman,
Na di maipaliwanag at di maintindihan,
Kung anong dahilan ay di ko malaman.


Ikaw ulan, dapat nga ba kitang pasalamatan?
Sa kalungkutan ba ako’y dinadamayan,
O ika’y simbolo ba ng aking kalungkutan?
Upang ang lahat ng ito’y di ko makalimutan.


Pagbuhos ng ulan ay akin ng nahahalata,
Laging natatapat sa panahon ng aking pagdurusa,
Bumubuhos ka kasabay ng aking pagluha,
Di ko alam kung nagkataon lang o talagang sinasadya.

PUSA

Minsan sa pag-iisa sa aming bakuran,
Pusang maliliit aking pinagmasdan,
Masayang naglalaro sa aming halamanan,
Lulundag-lundag at minsa’y naghahabulan.

Masaya ako habang sila’y tinitingnan,
Problema ko ay parang nababawasan,
Tuloy sumagi sa aking isipan,
Sana ako’y naging pusa na rin lang.


Buti pa itong pusa at di pinapabayaan,
Inang pusa’y lagi silang binabantayan,
Laging nilalaro at inaalagaan,
Pinapasuso at laging hinihilamusan.


Buti pang pusa’t laging magkakasama,
Magkakatabi maging sa paghiga,
Animo’y pamilyang pagkasaya-saya,
Walang gumugulo sa buhay nila.

My Yellow Roses

  I already told you that roses are my favorite flowers.  They lighten up my mood. I love how they look like and I love their scents. Look a...