8.16.2015

Once upon a time




 Once upon a time,  I was fond on writing poem. Dito ko nailalabas ang lahat ng aking nararamdaman, ang sama ng aking loob, at mga hinanakit sa buhay. Karamihan ng aking composition  ay may sad theme simply because I went through a lot of pain during my younger years.  I seldom voice out my problem to other people and writing poem became my outlet to lighten up my feeling.

I actually, kept all those poem I wrote and I want to share them here.


BUHAY AY PAMAMAALAM

Ang buhay ay isang pagbati at pamamaalam,
Pagbati na dapat bukal sa kalooban,
Ngunit darating ang araw dapat kang magpaalam,
Upang makamit ng iba ang kaligayahan.

Ang pamamaalam ay mahirap tanggapin,
Sa halip sumaya, sasakit ang damdamin,
Talagang ito’y napakasakit isipin,
Sana’y wala ka na kung magpapaalam din,.

Sabi nila buhay daw ay sadyang ganyan,
Kung sa araw na ito’y nasa sa’yo ang kaligayaham,
Bukas, makalawa na sa’yo naman ang kalungkutan,
Pagkat ang buhay ay isang pakikipagsapalaran.

Lahat tayo’y sadyang namamaalam,
Kahit na ito’y masakit sa kalooban,
Ngunit kailangang tanggapin ang katotohanan,
Pagkat ang sakit ay sa simula lamang.

Kahit ang sanggol sa sinapupunan,
Pagdating ng araw ay namamaalam,
Aalis at aalis sya sa kinalalagyan,
Upang ang mundo ay kanyang masilayan.

Mga bata ay aalis sa tahanan,
Iiwan ang kanilang mga magulang,
Sila ay pupunta sa paaralan,
Upang paghandaan ang kinabukasan.


May namamaalam rin sa mutyang paaralan,
Sa kanyang mga guro’t mga kaibigan,
Ito’y aalis at sila’y iiwanan,
Upang harapin ang bagong kinabukasan.

Padating naman sa pag-iibigan,
Pasasaan at isa’y mamamaalam,
Upang hanapin ang kaligayahan,
Na sa katipa’y di natagpuan.


Sa buhay ng tao, darating ang katapusan,
Babawiin na, buhay niyang hiram,
Sa mundong ibabaw siya’y mamamaalam,
Upang lasapin, buhay na walang hanggan.



My Yellow Roses

  I already told you that roses are my favorite flowers.  They lighten up my mood. I love how they look like and I love their scents. Look a...