Sa gabing madilim at malakas ang ulan,
May mga bagay na pumapasok sa aking isipan,
Naalala ko lahat ang aking nakaraan,
Lalo na ang aking malulungkot na karanasan.
Bawat patak ng ulan mula sa kalangitan,
Ay may kakaibang bagay akong nararamdaman,
Na di maipaliwanag at di maintindihan,
Kung anong dahilan ay di ko malaman.
Ikaw ulan, dapat nga ba kitang pasalamatan?
Sa kalungkutan ba akoy dinadamayan,
O ikay simbolo ba ng aking kalungkutan?
Upang ang lahat ng itoy di ko makalimutan.
Pagbuhos ng ulan ay akin ng nahahalata,
Laging natatapat sa panahon ng aking pagdurusa,
Bumubuhos ka kasabay ng aking pagluha,
Di ko alam kung nagkataon lang o talagang sinasadya.