8.31.2007

TAO…BAKIT KA GANYAN?

Tayong lahat ay sadyang tao lamang,
Na nakakagawa ng mga kamalian,
Subalit bakit kapwa mo ay iyong sinisiraan,
At di inisip na siya’y marunong ding masaktan.


Bakit mo ba ginagawa ‘yan sa iyong kapwa?
Gayong ayaw mo ring gawin ito sa’yo ng iba,
Di mo ba naiisip na siya’y napapahiya?
Ng dahil lamang sa iyong paninira.


Isipin mong ikaw…ako…tayong lahat ay tao,
At tayong lahat merong isip at puso,
Subalit bakit mo hinuhusgahan ang kanyang pagkatao,
Gayong wala kang batayan kung ito nga ay totoo.


Ano ba ang kanyang naging kasalanan?
Bakit mo hinuhusgahan ang kanyang katauhan?
Naiinggit ka ba sa kanyang kagandahan?
Tao…bakit…bakit ka nga ba ganyan?

No comments:

My Yellow Roses

  I already told you that roses are my favorite flowers.  They lighten up my mood. I love how they look like and I love their scents. Look a...