I stole this tag from the kilay queen, iluvgreen. I enjoy reading her post so I challenged myself to write mine.
The rules:
1. each blogger must post these rules.
2. each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
3. bloggers that are tagged, need to write ten facts about themselves. You need to choose ten people to tag and list their names.
With no further ado, here are the ten funny, embarrassing, weird and unique facts about me:
1. I never shave/pluck my eyebrows. Once lang naayos ang kilay ko. Noon lang college graduation pictorial at pinagtawanan pa ako ng brother ko kaya hindi ko na inulit. Bwahahaha. Pero willing na ulit ako ipaayos ito ngayon.
2. Noong bata ako, gusto ko ang amoy ng kerosene. Palibhasa’y lampara lang ang aming ilaw sa probinsya. Subalit ngayon, makaamoy lang ako ng kerosene, umaatake na ang aking migraine.
3. Bata pa ako ng maranasan kong kumain ng mga exotic foods like kalderatang aso, ginataang sawa, fried palaka, kuhol, bayawak at kung anu-ano pa. Pero ngayon maalala ko lang bumabaliktad na ang aking sikmura. Please don’t hate me, hindi ko pa alam paano tumanggi sa mga bagay-bagay na pinapakain sa akin. hehehe.
4. Kaya ko ang hindi magsalita maghapon. Hehehe. Boring ba?
5. Dati mahimbing akong natutulog kapag walang ilaw, subalit ngayon mas comfortable na akong matulog ng may ilaw kasama ng aking anak at asawa.
6. Nakagisnan ko ang gumising ng 4:00 o’clock in the morning subalit nabago ng konti mula ng ako’y magtrabaho at ito’y naging 5:00 o’clock na ng umaga.
7. Kapag nasa probinsya ako, madalas akong makarinig ng iyak ng tiyanak at huni ng kuwago. Buti nalang sarado ang aking third-eye kaya hindi ako nakakakita ng mga nilalang na hindi ko dapat makita.
8. Hindi ko kayang kumain ng saluyot. Bigyan mo nalang ako ng okra wag lang saluyot.
9. Noong bata ako, magaling ako sa shatong, tumbang preso, patintero at iba pang mga larong pambata. Palibhasa’y maliit kaya mabilis akong kumilos.
10. Ako lang ang hindi marunong kumanta sa aming pamilya.
Yes! That’s it.
Now, it’s your turn. Dare to share?
Life is like a library owned by the author.In it are a few books which he wrote himself,but most of them were written for him.~~ Harry Emerson Fosdick~~
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
My Yellow Roses
I already told you that roses are my favorite flowers. They lighten up my mood. I love how they look like and I love their scents. Look a...
-
Thanks God it’s Friday again today. It’s a long weekend again. Yahoooooooo! Three more days left for the month of August and ber months are...
-
I’m on my 38 weeks now. But I am still reporting to work for 2 reasons: (1) because I want to maximize my maternity leave taking care of my ...
-
{photo via } Today is a special day for me. Today I celebrate my birthday. Today I want to thank God for all the blessings that He showered...
8 comments:
Talaga, you don't eat saluyot, that's really nutritious ha, grabee... and i so love it... wag lang talong, hahaha...
wow, i have a new title "KILAY QUEEN", lol, so willing ka n pa shave ang kilay mo, ready?
oi, match tau, halatang mga promdi, kung dati gusto ko ang amoy ng usok ng tricyle ikaw nman kerosene, nde kaya long lost sisters tau at ang mag parents natin ay adik? lol just kidding..
pero kaya mo nde mag salita the whole day, ako nde.
thanks for doing the tag. now i know you more..
tiyanak? sure ka? aswang lang ang narinig ko sa probinsya. tapos yung manok na wild ba.
namiss ko tuloy ang l;arong pamabata. hay
naku, shatong brings back fun memories of my childhood! ganyan din ang fav game namin noon, kasama na yong tumbang preso, laro namin sa gabi pag may moonlight...good old days, wala pang masyadong problema.
@shengmarie: sabi nga nila masarap daw ang saluyot kaya lang masyado kasing madulas kaya ayaw ko. oh, really! ayaw mo ng talong? gusto ko naman ng talong lalo na kapag salad. yummy.
@iluvgreen: hahaha. natawa naman ako ng husto sa sinabi mo. oo nga eh, masyado ng nagpapahalatang promdi.
@redlan: ya, it's tiyanak. wala naman sigurong sanggol na uuha galing sa liblib na lugar at sa mga alanganing oras ha. kinikilabutan tuloy ako. ano yong about sa manok na wild? hindi ko pa narinig un. tiktik pa meron.
@nance: correct! ang saya ng buhay noh. hindi na magastos na laro, masaya pa.
"Noong bata ako, gusto ko ang amoy ng kerosene.">>> talaga. sana hindi to mababasa ng mga adik. hehehe... baka palitan na nila ang droga sa kerosene.
"Kaya ko ang hindi magsalita maghapon." >>> pag tulog ok ako dito. hehehe...
"madalas akong makarinig ng iyak ng tiyanak at huni ng kuwago." >>> may tiyanak nga talaga?
hi rose, if you want to do the brought to you by meme i'll assign you the letter J. let me know if you did the meme. good luck. TC
on your #4:
ako din! (apir!) i am an only child so kaya kong magtagal na hindi nagsasalita, kasi minsan wala naman akong makausap sa bahay.
happy saturday!
Post a Comment