2.13.2010

ligawan blues

Since it is valentine, let's talk a little about courtship. Tingnan natin kung paano na nga ba nabago ang pamamaraan ng panliligaw ngayon kumpara noong mga panahon.

During my days, guys usually expressed their feelings by writing love letters. Ang iba ay dinadaan sa isang kaibigan, yon bang meron tulay na tinatawag na kung minsan eh nadadapa at ang tulay ang nakakatuluyan. Meron ding malakas ang loob na hanapin ang bahay ng babae at dalawin ito sa bahay, kahit na gaano pa ito kalayo o kahit alam nyang mahirap ang kanyang haharapin dahil kailangan nyang harapin muna ang mga magulang at kapatid ng nililigawan. Meron ding nagliligawan habang naglalakad sa daan galing sa paaralan o kung saan mang sayawan o pasyalan. Meron ding pabigay-bigay ng bulaklak, chocolates at kung anu-ano pa. Meron ding nanghaharana. At meron ding mga lalaking may pagkamakata at dinadaan sa tula ang kanilang nararamdaman.

Nais ko ding ibahagi sainyo ang pinakaunang tulang aking natanggap mula sa pangalawang lalaking nanligaw sa akin mahigit isang dekada na ang nakakaraan. Ang sabi nya:

E...ang taguri sa iyong pangalan
Pangalan mo'y kay gandang pakinggan
At ang iyong mukha'y maganda rin naman
Sa pag-uugali ay wala kang kapantay.

Di ko maintindihan itong aking nararamdaman
Di maipahayag dahil kinakabahan
Pag ika'y nakikita at sinasabayan
Parang nanunuyo ang aking lalamunan.

Ewan ko talaga kung paano ko sasabihin
Ang itinitibok nitong aking damdamin
Tibok ng puso'y di mapipigil
Ng sinumang taong umiibig ana rin.

Nananalangin ako sa Poon nating Ama
Na bigyan ng tanglaw itong aking nadarama
Upang maipahayag ng wala ng kaba
Upang sa gayo'y maging maligaya.

Nakakatuwa at nakakakilig, di ba? Minsan masarap alalahanin ang mga ganitong panahon. At ang stage ng pagliligawan naman talaga ay puno ng tamis ng pag-iibigan.

Pero sa panahon ngayon, meron ng ibang nadagdag sa mga pamamaraan ng panliligaw. Meron ng sa email nagliligawan. Meron namang tawag sa telepono at meron ding sa text nalang nagliligawan.

Ikaw paano ka ba nanligaw o nanliligaw? O paano ka ba niligawan o nililigawan? Maaari mo bang maibahagi sa amin? Gusto lang naman naming muling kiligin ngayong araw ng mga puso.

***this is also my entry to 52Woc task #49.

6 comments:

shengmarie said...

I remember my younger days, madami ding nanligaw, but my eyes were fixed on one guy, naging crush ko siya till we officially went on for 5 years, and everything went different. God has a different man in His mind for me.

nathanskie said...

As I remember, I started courting when I was in Grade 1. I could vividly recollect the instance na I tapped the help of my 2 classmates to reinforce ung desire ko na magtapat sa crush ko. Actually, nasabi ko nga. Pro d rin kami naging magboyfriend. After 10 years of no news sa isat-isa, I initiated a date to know kung pwede magwork kc nga we're both single..pro ang nangyari, wala, d na tuloy.Wala ng kuryente!!

Ibyang said...

ang sweet naman!

dito sa asawa ko, wala nang ligawan kasi magkaibigan kami. basta na-develop na lang kami.

nuts said...

Ahhhmmm, dumaan sila sa matinding panunuyo.. sila ha, as if madaming suitors.. feeling lang, ang haba ng hair ng lola mo.. lol

Jeanny said...

uy ang sweet....

Kami naman ni hubz, well...basta naging kami na lang. Friends kasi kami for 7 years. Then one morning, after breaking up with my past bf, naging kami na ni D. Hay ang sarap alalahanin :)

Shai Coggins said...

Nice. Thank you for sharing! :-)

My Yellow Roses

  I already told you that roses are my favorite flowers.  They lighten up my mood. I love how they look like and I love their scents. Look a...