The more tranquil a man becomes, the
greater is his success,
his influence, his power for good. Calmness of mind
is one of the beautiful
jewels of wisdom. --James Allen
stop! calm down! think.
This one really works for me.
When I am very angry I tend to keep quiet. Stay in one corner and let my anger calm down. Think how to express what I really what to say in order to address such situation.
Minsan nga lang nakaka suffocate. Hindi rin naman kasi pwedeng sa lahat ng oras ay magagawa mong magtimpi. Ika nga, depende pa rin sa sitwasyon.
Husband and I usually talk about any problem if the anger is over. Hindi namin sinasalubong ang init ng ulo ng isa’t isa kaya ever since na naging kami (from girlfriend-boyfriend hanggang ngayon na mag-asawa na kami) ay hindi pa naman kami nagkakaroon ng matinding pag aaway hanggang tampuhan lang na madalas na hindi rin naman nagtatagal.
Sa bahay kapag medyo may hindi magandang ginawa ang yaya ni baby. I always try my best to say it in a nice way and calmly. Tumanim kasi sa aking isipan ang isa sa mga ikinukwento ng aking tiyahin na syang naging unang yaya ni K.A. Sabi nya yong yaya daw ng anak ng isa nyang dating katrabaho e nagmamaltrato ng bata once na nakalis na yong nanay. Ang katwiran daw ng nasabing yaya eh masyado daw masama ang ugali ng nanay ng bata kaya sa bata sya gumaganti. Which is hindi naman tama, right? Kaya yan ang isa sa mga ayaw kung mangyari sa aking baby while she is left alone in her yaya. Dahil kapag nagkataon hindi ko rin alam kung ano ang pwede kong magawa o ng husband ko sa yaya kapag nalaman naming minaltrato ang aming unica hija.
Another instance, last time na nakipag usap kami sa seller ng lupa sa province. Masyado syang magulang, akala nya kasi makakaisa sya. Nagdedemand na sya ng full payment pero ayaw nya pang pirmahan ang deed of sale. Ang usapan installment basis and full payment upon the release of the title. Eh medyo uminit na ang ulo ko that time kasi nga papaanong uusad ang pagpapa transfer ng title eh ayaw nga nya magsign sa deed of sale. But then I really have to stay calm otherwise walang mangyayari, I mean hindi ko makukuha ang gusto ko. Finally, after very long hours of negotiation napapayag ko rin syang mag sign.
Sa office nga lang iba, mas madalas na you only have to STOP and keep quiet! Otherwise malaki ang chance na pag initan ka ng mga officemates or ng boss mo at ang masama baka mawalan ka pa ng trabaho. Sigh….
How about you? Does it work for you? O sugod ka lang ng sugod?
picture from ciccparenting.org