5.23.2008

bus scenes

Last Tuesday, May 20, 5:30 in the afternoon sumakay ako ng bus from Megamall to Kamias. Samu’t saring scenes ang aking nasaksihan:

First scene: In front of MRT Ortigas station, since Ortigas flyover ang sign board nila. Nagsisisigaw na yong bus conductor, “ yong bababa ng Ortigas/Robinson dyan lumapit na at flyover po tayo”. Bago umakyat ng flyover, huminto ang bus at may isang aleng bumaba. Muntik na sya mahagip ng isang bus on the right lane. Pero parang wala lang sa driver & conductor. Sigh.

Sumara ang pinto at may isang ale from the back ang pumunta sa bandang gitna at:


Ale: hindi na ba pwedeng bumaba?”
Conductor: hindi na po, don nalang
kayo sa may white plains.
Ale: e ang bilis-bilis nyo naman kasi. Doon
nalang ako sa Cubao


Second scene: Sa tapat ng Aguinaldo. Biglang may isang ale (a matrona look lady) na naman from the back nagagalit at nagmumura:

Ale: P*****-**a mo, para kang hindi lalaki.
Bakla ka! Ang laki-laki mong tao ayaw mo magpadaan. Para kang
walang pinag-aralan.

Lalaki: hindi umimik. Parang nagulat din sa sya reaction ng
ale.

Yong ale lumipat ng upo sa may banding gitna. Pero nagsisigaw pa rin sya:


Ale: yong mama dyan sa likod na naka t-shirt ng green. BAKLA!

Pagdating sa tapat ng makro Cubao, huminto ang bus. Tumayo ang ale at lumingon sa likod kung saan nakaupo yong mamang tinatalakan nya at bigla na naman sumigaw:


Ale: yong mama dyan sa likod na nakagreen at may salamin, letse ka!!!! BAKLA!
BAKLA! BAKLA!
Tapos bumaba na sya. Pagdating sa baba sinisilip pa rin nya ung mama.

Napangiti nalang tuloy ako. Hindi ko kasi malaman bakit ganun na lang yong galit nya. Sigh… naisip ko tuloy, pano kaya kung ganung klase ng tao ang maging byenan mo. Hehehehe…. Imperyo ang buhay.

Third scene: Pagbungad ng P. Tuazon, sa tapat ng isang gasoline station. BLAGGGGG…. Biglang nagpreno ang bus driver kala namin meron na syang nabangga. Buti wala nman pa. Sadyang bigla lang sya nagpreno.

Fourth scene: Tumawid ng P. Tuazon. CRACKKKK!!! Nasagi ng bus na sinasakyan ko ang side mirror ng isang bus in the left lane. Sigh.. munti na magkainitan ang dalawang driver.

Fifth scene: Tapat ng farmers plaza, gumigiwang giwang yong bus. Hindi nya malaman kung papasok ba sya ng Cubao ibabaw or mag express lane. Badtrip talaga!

Finally, umibabaw din. Babaan na yong ibang pasahero. Yong iba doon talaga ang way yong iba bumaba nalang dahil masyadong reckless ang driver.

Tapos, biglang may sumakay, tatlo silang magkakasama. Nauna babae may bitbit na isang malaking sakong bag, sumunod yong kasama nyang lalaki may isang back pack, din yong isa pang babae may bitbit na dalawang plastic bag. Nakabuntot sa kanila ung conductor habang bitbit ang kanilang dalang electric fan. Bandang gitna ng bus nairita ung conductor, “ mama bakit ba kasi hindi mo bitbtin itong electric fan?” sabay bigay nya yong kanyang bitbit.

Sixth scene: Tapat ng baliwag transit, nahuli ng MMDA yong bus driver at knuha ang driver’s license. Bumaba ang conductor at kinausap ung MMDA. Pag-akyat ng conductor:

Driver: Bakit daw?
Conductor: Dapat daw nasa loob ka ng yellow
lane?
Driver: Binayaran mo? Yong license ko?
Conductor: OO! Ayan na
yong ticket.

Seventh scene: Lapit na sa Kamias. Since daming bababa. Tumayo na kami at ng makababa na agad. Itong driver naman alang concern sa mga pasahero nya pa ekis ekis pa kung magpatakbo. Kaya halos magkadasubsob na kami.

Pagbaba ko ng bus kinuha ko yong plate number PYJ 825, Mersan bus. Napailing nalang ako at sinabi sa sarili kong iiwasan ko ng sumakay ng mersan bus para iwas disgrasya.

At paglipat ko ng jeep papuntang bahay, naisip ko, maisulat nga sa blog. Kaya lang ang worry ko pano ko kaya ito masusulat ng maayos? hehehe

2 comments:

ms firefly said...

hehe, thanks for sharing, natawa ako sobra! ;-)

i've worked in manila for about two years before, and that was it. di ko kaya ang lifestyle. i went back to my city and my life since has been simpler, safer, cheaper and happier because i'm closer to my family. :)

ingat lagi!

Eds said...

hi ms firefly!

thank you for visiting my blog.

correct! mahirap nga dito. pero dahil andito ang work namin ng husband ko, no choice but to adjust sa lifestyle dito.

someday, kapag nakaipon na balak din naming bumalik ng probinsya at magnegosyo.

My Yellow Roses

  I already told you that roses are my favorite flowers.  They lighten up my mood. I love how they look like and I love their scents. Look a...