lola! lola! lola!
halos araw-araw at gabi-gabing tinatawag ni K.A. ang kanyang lola.
alam kong sobrang namimiss na ni K.A. ang kanyang lola na simula dalawang (2) buwan palang sya ay ang kanyang lola na ang nagtiyagang mag alaga sa kanya. at batid ko kung gaano nya rin pinadama kay K.A. ang kanyang pagmamahal at pag-aaruga.
ang kanyang lola ay nagpasyang umalis sa amin nitong nakaraang May 15 at umuwi na sa aming probinsya. hindi naman nya diretsong sinabi sa amin na hindi na sya babalik subalit batid kong gusto rin naman nyang magpahinga. marahil sa edad nya ay medyo nahihirapan na rin syang magbuhat at maghabol-habol kay K.A. na sa kasalukuyan ay 1 taon at 2 buwang taong gulang na.
mabigat din sa loob ko na payagan syang umalis ng bahay ng mga panahon na yon subalit paano ko naman matitiis ang sarili kong tiyahin na hadlangan kung anuman ang kanyang naisin sa buhay. at isa pa nagiguilty din ako sa sarili ko na huwag syang payagan gayong alam ko naman na hindi ko sya mabibigyan ng isang disenteng pasahod.
mula ng umalis sya ay nakakailang beses na rin akong tumawag sa kapatid ko sa probinsya upang makibalita kung may pag-asa pa syang mapabalik sa amin. subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin daw nagsasabi. may plano ata kasi syang magnegosyo na lang sa probinsya.
sa tuwing naririnig kong tinatawag ni K.A. ang kanyang lola ay parang madudurog ang aking puso. kahit kasi ako ay namimiss ko rin sya. panatag din kasi ang aking isipan at kalooban kapag sa kanya ko iniiwanan si K.A. habang kami ni mister ay nasa trabaho. alam kong minahal din nya si K.A. na parang sarili nya na ring anak. at namimiss ko rin ang dating pag-aaruga nya sa baby ko at pati na rin sa aming mag-asawa. naaalala ko dati kapag umuuwi ako galing ng trabaho ay napakaayos ng aming bahay at pati si K.A. ay napakabango pa rin kahit hapon na. samantalang ngayon, sa bago nyang yaya eh parang kabaligtaran ata ang nangyayari. ang dating maayos na bahay ay aayusin ko palang sa aking pag-uwi at ang dating malinis at mabangong bata ay ngayo'y laging amoy pawis.
tiya, sobrang namimiss ka na namin. sana kung hindi ka man makabalik sa amin ay sana maisipan mo man lang kaming dalawin sa lalong madaling panahon. at muli mong marinig ang malulutong na pagtawag sayo ng baby nating maganda.
Life is like a library owned by the author.In it are a few books which he wrote himself,but most of them were written for him.~~ Harry Emerson Fosdick~~
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
My Yellow Roses
I already told you that roses are my favorite flowers. They lighten up my mood. I love how they look like and I love their scents. Look a...
-
{photo via } Today is a special day for me. Today I celebrate my birthday. Today I want to thank God for all the blessings that He showered...
-
I’m on my 38 weeks now. But I am still reporting to work for 2 reasons: (1) because I want to maximize my maternity leave taking care of my ...
-
Thanks God it’s Friday again today. It’s a long weekend again. Yahoooooooo! Three more days left for the month of August and ber months are...
No comments:
Post a Comment