bilang pagpupugay sa nalalapit na araw ng mga ama nais ko sanang handugan ng tula ang aking mahal na asawa at ang aking sariling ama.
pangit man ang pagkakagawa ko subalit ito'y taos naman sa aking puso.
nauna ko na itong nailathala sa aking friendster blog pero dahil sa ito na ngayon ang aking bagong tahanan kaya nais ko rin ulit ilathala dito.
para sa aking asawa:
Ramdam kung ako’y napakaswerte sayo;
Pagkat ang kabaitan mo ay taos sa puso;
Mula ng dumating ka dito sa buhay ko;
Tunay na kaligayahan ay naramdaman ko.
Oo nga’t hindi tayo palaging masaya,
Subalit ito’y bahagi lamang ng buhay may asawa;
Upang higit na tumibay ang ating pagsasama;
At higit na mapatingkad ang pagmamahal sa isa’t isa.
Nananalangin ako sa Poon Nating Maykapal;
Na ating pagsasama sana ay panghabambuhay;
At patuloy na manaig sa puso ang pagmamahal;
Kahit na unos pa ang dumating sa ating buhay.
Alam kung lahat ay kakayanin nating lagpasan;
Anumang pagsubok ang sa atin ay magdaan;
Pagkat tunay at wagas ang ating pagmamahalan;
At matibay na pananalig sa Diyos ang ating sandigan.
Lahat ng nais mo’y para sa king kabutihan;
Ako’y iyong binabantayan at inaalagaan;
Iyong isinasantabi ang sariling kagustuhan;
Pagkat “priority” mo ang aking kaligayahan.
Dahil sa’yo naging makulay ang aking mundo;
At nais ko itong ipagpasalamat sa’yo mahal ko;
Ikaw ang napakagandang regalong natanggap ko;
At hinding-hindi kita ipagpapalit kahit na kanino.
para sa aking sariling ama:
Ang tulang ito’y inihahandog ko sa’yo;
Pangit man ang pagkakagawa, sana’y pagpasensyahan mo;
Ito’y wagas at galing sa puso ko;
Bilang pasasalamat sa mga kabutihan mo.
Mula pagkabata, kami’y iyong inaruga;
Sa mga pangangailanga’y di nagpabaya;
Lahat ng makakaya’y iyong ginawa;
Sa aming kagustuhan, ika’y nagparaya.
Ang mga tungkulin ay iyong ginampanan;
Kami’y pinagtapos sa aming pag-aaral;
Napakaraming hirap man ang pinagdaanan;
Kami’y hinubog mo pa rin sa mabuting asal.
Paglalasing man ay iyong nakasanayan;
Ngunit ika’y amin naming naiintindahan;
Sama ng loob ay iyo lang binabawasan;
Sapagkat problema mo’y nagtatambakan.
Patawarin mo sana kami sa aming mga kasalanan;
Sa mga pagkukulang kami sana’y pagbigyan;
Ayaw rin naming makita kang nahihirapan;
Mahal na mahal ka namin kung alam mo lang.
Sa paglayo ni Inay, di natapos ang lahat;
Panahong inalay mo, sa amin ay sapat;
Huwaran ka sa kabaitan at sa lahat-lahat;
Kaya Itay, maraming marami pong salamat.
advance happy father's day sa inyong lahat!!!