8.13.2008

naniniwala ka ba sa P-A-M-A-H-I-I-N?

{photo via}

----------------------------------------------
"Youth ages, immaturity is outgrown,
ignorance can be educated, and drunkenness sobered,
but STUPID lasts forever." -Aristophanes
-----------------------------------------------
Pamahiin is the Tagalog word for superstitious belief or superstition. Superstitious belief, or superstition is the irrational belief than on object, or action, will influence the result of an event although the object, or action, and the event are totally unrelated. (Source here)
Ang mga Filipino ay likas na mapamahiin. Marami tayong mga pamahiin na hanggang sa ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng iba nating mga kababayan.

Hindi ako mapamahiing tao subalit kapag para sa anak ko napipilitan na rin lang akong sumunod.
Sabi nga wala namang mawawala kung paminsan-minsan ay susundin natin ang mga ito. Mahirap din naming magsisi dahil laging nasa huli.

Ilan lamang sa mga pamahiin na aking nalalaman ay ang sumusunod:

when you hear cats meowing loudly, merong buntis o mabubuntis sa bahay
*what??? Baka yong pusa ang mabubuntis!

kapag ang bata ay may birthmarks or sya ay pinanganak na maitim, ang mommy daw ate something dark like chocolates, liver, dinuguan, etc noong sya ay naglilihi
*hindi ko alam ang koneksyon pero baka nga naman

ang bata ay kailangan gupitan ng buhok kapag sya ay isang taong gulang na at itago o iipit sa libro ang kanyang unang ginupit na buhok
*sabi ng aking mother-in-law para daw maging matalino ang bata. Hindi ko alam kung totoo pero ginawa ko ito kay K.A.

ang bata daw kailangang gupitan ng kuko kapag isang buwang gulang na tapos balutin sa papel at ilagay ito sa may bintana o sa ilalim ng sahig kung kawayan ang inyong sahig
*ayon pa rin sa aking MIL, ito daw ay para makakapit agad ang bata kapag sya ay nadulas o nahulog

bawal maligo ng isang lingo ang bagong panganak kasi daw nakakabinat.
*ito ang pinakamahirap na naranasan ko pagkatapos kung manganak. Imagine, summer tapos one week ako hindi naligo tapos ayaw pa ako pahanginan. Whew! Pakiramdam ko para akong nasa pugon. Pero hindi makasuway kasi biyanan at asawa ko ang nagbabantay.

ang bata daw dapat nagbibigkis hanggang anim na buwan para hindi madaling kabagin at hindi lumaki ang tiyan
*buti nalang ang aking naging OB-GYNE at ang pediatrician ni K.A. ay naniniwala rin sa bigkis kaya hindi nila ako napagalitan noong nakikita nilang nakabigkis ang bata kapag dinadala ko sa clinic. Nakatulong din ito para maproteksyunan ang kanyang pusod.

pahiran ng laway ang bata para iwas usog o simpleng magsabi ng “pwera usog”
*medyo unhygienic nga lang pero totoo sya. Noong maliit pa si K.A. ay makailang ulit syang nausog ng aking bunsong kapatid at ng kanyang lola dahil sila ay natutuwa sa pagiging chubby ni K.A. Tapos last new years eve nausog si K.A habang kami ay nasa probinsya. Hindi talaga sya tumigil sa kakaiyak ng malakas hanggat hindi namin nahanap kung sino ang nakausog sa kanya. Ang aking asawa ay malakas din makausog lalo na kapag sya ay sobrang pagod o kaya ay gutom.
(see further explanations here )

lagyan ng kapirasong sinulid o papel sa noo ang bata kapag ito ay sinisinok
*hindi ko alam kung ito ay makakatulong pero ang aking ginagawa ay pinaiinom ko nalang ng tubig

maglagay ng bawang sa bintana kapag may buntis o may batang wala pang binyag
*sabi ng tatay ko hindi raw totoo ang aswang kasi matanda na raw sya pero hindi pa sya nakakakita nito. Pero ako totoo man sya o hindi ayoko pa ring makakita. DUWAG kaya ako!

maglagay daw ng tatlong tingting sa ilalim ng higaan ng baby kapag iniwan ng walang tao ang bahay para hindi sya palitan ng aswang doon
*ito ang bagay na pinagawa sa akin noong wala pang binyag si K.A. pero sa tuwing ginagawa ko ito ay kinikilabutan talaga ako ng husto. Hindi ko alam kung bakit.

huwag paglaruin ng manika ang bata hanggat hindi pa ito nagsasalita para makapagsalita sya ng mas maaga
*hindi ko alam kung ito ay totoo o sadyang sabi-sabi lang. si K.A. ayaw pa rin paglaruin ng manika ng kanyang tatay hanggang sa ngayon.

huwag paliguan ang bata kapag martes at biyernes para sila ay hindi magkasakit
*sabi pa rin ng aking biyanan at ng ilang mga nakatatanda sa amin ay totoo daw ito. Kaya hindi ko rin pinapaliguan si baby sa mga araw na ito mabuti na ang sumunod kaysa magsisi sa huli. Anyway, dalawang araw lang naman sa isang linggo.

huwag kumanta habang nagluluto kasi daw makakapag-asawa ng matanda
*para sa akin hindi totoo yan kasi hindi naman matanda ang aking napangasawa. Wala syang konek.

kapag binunutan ng puting buhok lalo daw ito dadami
*hindi ko alam ang koneksyon. Paanong dadami kung inaalisan mo na nga? Pero sa ngayon uso na ang hair dye kaya hindi na problema yang bunut-bunot na yan.

bawal magwalis sa gabi kasi itinataboy daw ang grasya
*paano ako hindi magwawalis kung ang dumi-dumi na ng sahig? Ayoko kaya ang may naaapakan akong dumi sa bahay. Saka gabi na ako dumarating ng bahay kaya wala akong choice kundi sa gabi magwalis. Kawawa naman anak ko kung lagi madumi ang bahay baka kagatin sya ng langgam o ipis.

kapag may kasambahay na umalis ng bahay habang may kumakain kailangan daw iikot ang pinggan para walang mangyaring masama sa kanya
*hindi ko ginagawa ito. Kahit kasi iikot mo yong plates kung tatanga-tanga ka pa rin paglabas mo siguradong disgrasya abot mo.

bawal maggupit ng kuko sa gabi kasi may maaga daw mamatay sa parents
*siguro ang dahilan kung bakit bawal itong gawin dati dahil madilim, lampara lang ang ilaw nila noon.

bawal magpautang o magbayad sa gabi dahil mawawala daw ang swerte
*minsan ang caretaker namin ayaw kunin ang bayad namin for rental or utilities kapag gabi na ako nagbabayad kasi daw malas. Pero ginigiit ko kapag kami naputulan ng tubig o kuryente dahil hindi nakabayad yon ang mas malas.

bawal isukat ang damit pangkasal dahil hindi ito matutuloy
*nakakatawa kasi ang nangyari sa aking kasal eh medyo masikip ang aking gown. Buti nalang mabilis din nilang nagawan ng paraan para maisuot ko ito.

tumalon ng tatlong beses kapag bagong taon para tumangkad
*hehehe. Noong bata pa ako makailang beses ko itong ginawa pero pandakikay pa rin ako hanggang ngayon.

Ikaw, naniniwala ka ba sa mga pamahiin? Meron ka bang alam na iba pang pamahiin? Maaari mo bang ibahagi sa amin?

7 comments:

shengmarie said...

"pahiran ng laway ang bata para iwas usog o simpleng magsabi ng “pwera usog”

----medyo unhygienic nga lang pero totoo sya. Noong maliit pa si K.A. ay makailang ulit syang nausog ng aking bunsong kapatid at ng kanyang lola dahil sila ay natutuwa sa pagiging chubby ni K.A. Tapos last new years eve nausog si K.A habang kami ay nasa probinsya. Hindi talaga sya tumigil sa kakaiyak ng malakas hanggat hindi namin nahanap kung sino ang nakausog sa kanya. Ang aking asawa ay malakas din makausog lalo na kapag sya ay sobrang pagod o kaya ay gutom.


I am not so sure kung totoo ang usog, and if there really is that, ano ba talaga yan, bakit ang iba meron, ang iba wala, saan nakukuha ang usog. Just last week dito sa office, yan din ang napag-usapan namin, paano kaya makakuha ng usog... baka naman may nabiktima na ako, di ko lang alam na nangyari na, hehehe...

Eds said...

to be honest, ako hindi pa nauusog (huwag naman sana)! pero naniniwala ako na totoo nga ito kasi nakita ko personally kung paano magwala/magbulahaw ng iyak ang baby ko. tapos ng dahil lang sa laway na ipinahid sa tiyan nya, yon gumaling sya at parang wala ng nangyari.weird noh! sabi ng mga nakatatanda kapag daw kasi ang isang tao ay nausog na ay magkakaroon na rin sya nito. ibig sabihin sya rin ay pwede ng makausog. at kapag paulit-ulit na daw na nauusog o kapag nausog na ng matindi (meron kasing mild lang as in medyo nanghihina lang, meron din sumasakit ang tiyan at ang matindi ay yong sumusuka na yong biktima) ang isang tao ay pwede na rin daw magamot ng taong yan ang usog na sanhi ng ibang tao.

ms firefly said...

hehe, wala akong pamahiin, dahil na rin siguro hindi rin naniniwala parents ko, kay lumaki kami lahat na walang pamahiin. :)

basta't malakas ang pananampalataya mo, wala kang dapat ikatakot. God is good, and everything happens for a reason. so keep the faith! :)

Jeanny said...

kami rin walang pamahiin dahil nga rin siguro sa mga parent ko.

I believe na whatever it is na pinaniniwlaan, as long as the strong faith with our one GOd is there you could never go wrong. :)

Have a blessed Sunday sis :)

Eds said...

@ ms firefly & jeanny: so true! GOD is good and strong faith really matters.

it just happened that i was associated with oldies who still believe in these pamahiin.

pero madalas kapag hindi ko feel sumunod or talagang hindi ako naniniwala eh hindi ko rin naman ginagawa.

witsandnuts said...

I used to be so superstitious when I was a kid per my grandmother's influence. But I have outgrown it and live more by faith. Pero nakakatuwa minsan pag naalala ko yung pagsunod ko sa mga pamahiin. =)


Btw, thanks for including my site in your blogroll. =)

Eds said...

you're welcome witsandnuts. i love visiting your blog. you are one of my inspirations to continue blogging kahit hindi ako magaling magsulat.

oo nga eh. minsan natatawa rin ako sa mga pamahiin na sinasabi sa akin kaya lang minsan kailangan kung sumunod para lang hindi mapagalitan.

narinig ko sabi ng isang radio announcer, "ang naniniwala sa pamahiin............... matanda na" hehehehe

thank you so much for your visit!

My Yellow Roses

  I already told you that roses are my favorite flowers.  They lighten up my mood. I love how they look like and I love their scents. Look a...